Tuesday, February 5, 2008

Book Review and Summary: Trip to Quiapo by Ricky Lee

Ang librong Trip to Quiapo ay tungkol sa tatlong manunulat na gustong pumunta sa Quiapo. Ang unang manunulat, pinag-aralan niya ang daan na ginamit ng mga naunang manunulat at ito ang ginamit niyang daan para makarating ng Quiapo. Subalit ang ikalawang manunulat, may pagkakalog ata. ay umikot muna sa mga ilog at sa bundok at gubat, nakipagtsismisan pa sa kalye at iniwasan ang kombensyonal na daan. Pinagtawanan natin siya sa pagkat natatawa tayo sa mga nalilihis. Hanggang sa makarating siya ng Quiapo. Mas mahusay ang ikalawang manunulat kaysa sa naunang manunulat dahil nakadiskubre siya ng bagong daan papuntang Quiapo. Hindi magtatagal marami pang susunod sa kanya. Papatag ang landas na ginawa niya at magiging kasimbilis na rin ng naunang daan. Ang ikatlong manunulat naman gaya rin ng ikalawang manunulat, hindi rin sumunod sa daan ng ikalawang, may pagkakalog at baliw pa ata. Umikot-ikot din siya sa mga bundok, ilog, palengke at simbahan. Nawala pa sa daan at muntik maholdap. Pinagtawanan din natin siya at diniscourage. Hanggang sa makarating siya sa isang lugar. Hindi ito ang Quiapo kanina. Pero mapapaniwala niya tayo na ito at Quiapo rin. Sa tatlo siya ang pinakamahusay na manunulat. Dahil may magic sa ginawa niya. Dahil ang mundo ng literatura, sining at pelikula, pati na ang buhay natin, ay nagiging napakayaman at makahulugan.
Ipinapakita sa librong ito kung paano ang isang experience ay mas matimbang parin kesa sa pagaralan ang mga nagawa na ng iba. Dahil sa paggawa ng isang maghusay na script ikaw mismo ang maghahanap ng sarili mong Quiapo para magkaroon ng bagong daan para sa mga susunod na manunulat. Ang konsepto ng pagpunta ng Quiapo ay isang paraan para ipakita na tayo bilang isang manunulat ay kailangan humanap ng ating sariling daan para makagawa ng isang matagumpay na script. Madali pagaralan ang daan ng iba ngunit kung ito lagi ang ating susundan parang wala tayong pinagkaiba sa naunang manunulat, nawawala ang originality ng script. Sa mundo ng sining walang iisang tama sa pagsusulat. Walang iisang standard kung ano ba ang magandang pelikula. Ang lahat ay nagbabago sa bawat kultura at sa pagdaan ng panahon. Nagawa na nila ang lahat sa pagsusulat kaya dapat kaw rin humanap ng bagong daan sa pagsusulat. Kaw dapat ang humanap ng sarili mong Quiapo hindi ung mga nauna na sayo. Madami ang Quiapo hindi iisa lamang, sa paghahanap mo ng Quiapo madami kang makikilala, mararanasan at malalaman. Sa mga experience na ito makakagawa ka ng panibagong daan sa pagsusulat.
ay maliit na tao sa atin. Tumingin ka sa labas makikita mo ay punongkahoy. Tumingin ka uli ang makikita mo ay mga bunga, mga sanga at mga dahon. Tuminging ka uli, ang makikita mo, maski wala sila doon, ay mga batang nakalambitin sa swing. O kaya matandang nagbabasa ng libro. O aswang na nakasilip, o tikbalang. Tumingin ka uli. Natutunaw ang punongkahoy. O kaya ay naging silya, o mesa, o lumilipad, o baka naman wala pang punongkahoy doon.
Trabaho ng manunulat ang makakita at ipakita sa iba ang nakikita niya. Napakaliit ng mundo natin dahil sa mga pwersang napakalibot satin na mas malakas at mapwersa. At wala tayong magagawa kasi sila ang nasusunod. Dahil dito lumiliit ang mundo natin, kahit makalabas man tayo at makakita ng mga bagay bagay sa palibot maliit paring ang nakikita natin. Dahil ang tunay nating nakikita ay base lamang sa nakikita ng maliit na tao sa loob natin. Kaya minsan nasasabi natin hindi pa tayong handa dahil kulang pa ang karanasan natin. Hindi pa natin nalilibot ang mundo o di kaya naexperience ang mga bagay bagay na kailangan natin maexperience. Pero sa loob natin madaming estorya na gustong lumabas. Pero dahil nangunguna ang takot sa loob natin di pa nga tayo nakakapagsulat ay di na natutuloy dahil lagi natin sinasabi na di pa ako handa. Dapat palakihin natin ang maliit na tao sa loob natin. Dapat unti unti natin tanggalin ang mga blinders na nakatakip sa nga mata natin. Gamitin natin ang ating imahinasyon sa pagsulat, di dapat maging stereotype para di magiging one sided ang storya na sinusulat. Sa pagsulat dapat napakalibot ang storya sa mga characters hindi lamang sa bida. Ang mga napag-aaralan natin sa libro ay hanggan utak lamang ngunit pagnaranasan natin na ay pumapasok na sa ating puso at mananatili na ito habang buhay. Wag takot ang maghari sa loob mo, maging open ka at unti unti mong namnamin ang buhay. Natural lang ang mabigo at madapa, pero dapat marunong kang tumayong muli pagnangyari yon. Sa patuloy mong pagharap sa buhay ay marami kang matutunan, ang maliit na tao sa loob mo ay marami ring matututunan. Ang mga bagay na naexperience mo ay magiging gamay mo para makagawa ng isang matagumpay na script. Dapat di ka matakot mabigo, dahil sa mga ganitong karanasan ka makakahugot ng lakas at impormasyon na kailangan mo para maging makatotohanan ang sinulat mo.
Sa pagsusulat, imahinasyon ang pangunahing kasangkapan. Ayon nga kay Vladimir Nabokov. “Literature was not born the day when a boy crying ‘wolf, wolf’ came running out of the Neanderthal valley with a big gray wolf at his heels. Literature was born on the day when a boy came crying ‘wolf, wolf’ and there was no wolf behind him.” Dito pumapasok ang konsepto ng meron at wala. Napaka-boring naman ng isang pelikula na ibinigay na sayo lahat. Nagiging passive ang dating mo pagganito, sa dami ng mga elemento sa pelikula hindi na nahahasa ang imahinasyon mo lagi ka na lang tanggap ng tanggap hanggang sa namalayan mo hindi na ikaw ang gumawa ng pelikula kundi ang mga elementong tinatanggap mo. Ang imahinasyon ang nagbibigay ng saya ang panibagong buhay sa mga pelikula. Dahil sa imahinasyon nagkakaroon ng bagong daan at pananaw ang tao. Sa pagsusulat ng isang script ang manunulat ay dapat tumutok, kailangan tumingin siya nang tumingin para makakuha ng materyal. At sa patuloy mong pagtingin nakakakuha ka ng mga impormasyon at pangyayarin sa palibot mo. Hanggan sa puntong mawawala na ng katawan mo ang nagiging isa ka na sa sinusulat mo. May koneksyon ka na sa sinusulat mo at maglalakbay ang iyong imahinasyon hanggang sa makagawa ka na ng isang magandang script. Di mo man lang namalayan na natapos na pala ito.

No comments: